MAYNILA - Patay ang isang 43-anyos na motorcycle rider matapos siyang bumangga sa isang barrier post sa Ayala Ave., Makati City nitong Miyerkoles ng gabi.
Tumilapon mula sa motorsiklo at nasugatan sa ulo ang rider na kinilalang si Richard Casimiro na bumibiyahe mula EDSA bandang alas-10:35 ng gabi.
TINGNAN: Patay ang isang motorcycle rider matapos bumangga sa mga barrier post sa Ayala Avenue, MakatiAyon kay Police Exec. MSgt. Sulpicio Monterde ng Makati City Police vehicle traffic investigation unit, tumama ang gulong ng motorsiklo ni Casimiro sa concrete base ng isang barrier post na nakahilera sa gitnang lane malapit sa Makati stock exchange building.
Narinig na lang ng mga guwardiya ng gusali ang malakas na kalabog at nadiskubreng nakahandusay ang rider. Sa lakas ng pagkabangga, nabiyak ang tinamaang concrete base at bumagsak ang mga ibang poste. Nasira rin ang harapan ng motor. Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Bus driver in Makati mishap lied about the brakes – Police - Manila BulletinThe brakes of the passenger bus that rammed 13 vehicles in Makati City were all working when inspected by personnel of the Land Transportation Office (LTO) contrary to the claim of the bus driver, the Makati Police said Tuesday (September 8).
Read more »
Matapos ang Pemberton pardon: Paglaya ng 'vulnerable inmates' inihirit sa SC
Read more »
Mga stranded sa may bangketa ng Heritage Park, inilipat sa isang covered court sa Taguig
Read more »
Mga tindahan ng tela sa Divi sinalakay dahil sa reklamo ng Louis Vuitton
Read more »