MAYNILA — Sumugod sa Supreme Court nitong Martes ang mga miyembro ng grupong KAPATID para ipanawagan ang paglaya ng anila'y mga vulnerable inmate kasabay ng pagbibigay ng absolute pardon sa isang Ame
MAYNILA — Sumugod sa Supreme Court nitong Martes ang mga miyembro ng grupong KAPATID para ipanawagan ang paglaya ng anila'y mga vulnerable inmate kasabay ng pagbibigay ng absolute pardon sa isang Amerikanong homicide convict.
Ang KAPATID ay samahan ng mga kamag-anak ng ilang inmates na kabilang sa tinatawag na "vulnerable" lalo na ngayong may pandemya.Ayon kay Fides Lim, tagapagsalita ng grupo, sumisimbulo ang kanilang itim na kandila para kunsensiyahin ang mga mahistrado ng SC at magpasya na ang mga ito na palayain na ang mga vulnerable inmate.Muling umapela ang grupo sa SC na aksyunan na ang kanilang petisyon na 5 buwan nang nakabinbin para sa kalayaan ng mga inmate na nasa vulnerable sector.
Kabilang na dito ang mga senior citizen, mga may karamdaman, at mga nursing mother o mga nagpapasusong ina. Binatikos din ng grupo ang naging desisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng absolute pardon si US Marine Lance Cpl. Joseph Scott Pemberton. Nakalulungkot anila na mabilis na napapalaya ang gaya ni Pemberton pero maraming mga Pilipino ang nabubulok na sa piitan, kabilang na anila ang mga political prisoner.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Alex napaiyak sa sagot ni Toni nang tanungin niya ng, ‘Are you proud of me?’PINAIYAK na naman ni Toni Gonzaga ang kanyang sisteraka na si Alex. Hindi napigilan ng TV host-vlogger ang maluha nang muli silang magsama ni Toni sa isang vlog kung saan napag-usapan ang naging struggles niya noon sa mundo ng showbiz. Ani Alex, ilang taon din siyang nahirapang mag-adjust sa pagiging artista at matagal […]
Read more »
Duterte grants 'absolute pardon' to US soldier PembertonAN UNPARDONABLE BETRAYAL. Former solicitor general Florin Hilbay slams President Rodrigo Duterte’s decision to grant “absolute pardon” to United States Marine Joseph Scott Pemberton. RELATED STORY:
Read more »
[OPINYON] ‘Minahan’ ng intel info, naging bangko ng korapsyon'Marami pang malalaking krimen ang nalutas dahil sa impormasyong galing mismo sa loob ng Bilibid pero parang imposible nang mangyari ito ngayon.' Opinyon
Read more »
2 lotto bettors wagi ng P339M sa Ultra Lotto, P24M sa Mega LottoNag-iisang mananaya ang nakakuha ng jackpot sa Ultra Lotto 6/58. Nakuha ng bettor ang winning number combination na 18 19 28 09 01 11 sa isinagawang draw noong Linggo. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, P339,217,037 ang napanalunan ng lotto bettor. Binili ang winning ticket sa isang lotto outlet sa Quezon City. May kabuuan namang […]
Read more »