MAYNILA - Kung kasarian ang pag-uusapan, sanay ang mga Pinoy sa mga katagang "Filipino" para sa lalaki at "Filipina" naman para sa mga babae.
MAYNILA - Kung kasarian ang pag-uusapan, sanay ang mga Pinoy sa mga katagang "Filipino" para sa lalaki at "Filipina" naman para sa mga babae.
Pero kamakailan, opisyal nang kinilala ng online dictionary na dictionary.com ang "Filipinx" at ang impormal nitong katumbas na "Pinxy," na matagal nang ginagamit ng mga Pinoy sa Amerika. Ayon sa dictionary.com, ang "Filipinx" ang tawag sa mga ipinanganak sa Pilipinas, lalaki man o babae, at pamalit sa mga katagang "Filipino" at "Filipina."Para kay Mykel Andrada, direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa University of the Philippines-Diliman, tama na magkaroon ng bagong termino na maaaring gamitin ng ano mang kasarian.
"Magandang hakbang na nagkakaroon tayo ng recognition at ng consciousness-raising hinggil sa mga gender neutral na mga words," ani Andrada."Binago lamang 'yong 'o' para sa male at 'a' para sa female at ginawang 'x' para wala nang dibisyon sa pagitan ng babae o lalaki," ani KWF Commissioner Arthur Casanova.
"Okay lang po iyan dahil maaaring iyan ay identidad ng isang pangkat o maaaring umiiwas sila sa diskriminasyon," dagdag niya."Hindi siya maganda. Sa panahon ngayon, na lagyan ng ganoon 'yong word na 'yon, kasi siyempre parang 'pag 'x,' parang meaning noon, bad," ani Ariane Saludez."Dapat kung talagang, kung lalaki ka, lalaki; kung babae ka, babae. Hindi puwedeng baguihin na ganoon," ani Erlinda Nitura.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
'Mga kostumer sa restoran nabawasan nang 80 porsiyento dahil sa pandemya'
Read more »
Police outpost sa Maynila ginawang computer shop pang-online class ng mga estudyante
Read more »
Para iwas-gala? Caloocan may monitoring device para sa mga nagka-quarantine
Read more »
Police outpost sa Maynila ginawang computer shop pang-online class ng mga estudyante
Read more »
Kawatan, nakapag-online shopping ng halos P30K gamit credit card ng biktima
Read more »
[OPINYON] Kung bakit marami ang nagluluksa sa pagpanaw ni Lloyd'Hindi ako kilala ni Lloyd ngunit mahal ko si Lloyd. At alam ko kung bakit ako at ang marami pang iba ay labis na nagluluksa sa kanyang biglaang pagkawala.' Opinion
Read more »