'Hindi ako kilala ni Lloyd ngunit mahal ko si Lloyd. At alam ko kung bakit ako at ang marami pang iba ay labis na nagluluksa sa kanyang biglaang pagkawala.' Opinion
May katotohanan kasing nadarama ang mga tao kay Lloyd. Walang pagpapanggap, walang bahid ng pagkukunwari na makikita sa bawat ginagawa niyang content: ang labis na pagmamahal sa mga magulang niya, ang pagtulong niya sa mga kapitbahay, pagpapasaya sa mga kaibigan at nakakasalamuha, ang sakit kapag nabibigo, ang nararamdaman niyang saya sa tuwing may natutupad na pangarap. Tumatagos lahat ito sa puso ng manonood, umuukit ng pag-asa, at nagbibigay ng inspirasyon.
Ipinakita ni Lloyd kung paano magmahal at rumespeto ng kapwa. Ipinakita niya kung paano mamahagi at tumulong, hindi upang umani ng mas marami pang tagahanga ngunit dahil isa siyang mabuting tao. Kaya madaling tanggapin maging sa social media ang kanyang pagkatao. Hindi siya humiwalay sa realidad ng buhay bagkus ay ginamit ang impluwensya upang magbigay ng inspirasyon sa iba. Ginamit niya ang kakarampot na kapangyarihan upang maging boses natin – upang magsalita laban sa pang-aapi at kawalang katarungan. Marunong pumanig sa hustiya at katotohanan si Lloyd; hindi niya ipinagkanulo ang kanyang prinsipyo para sa popularidad. Para sa kanya, mas mabigat ang pagtindig sa tama kaysa sa pananatiling walang imik upang manatili lamang sa pedestal.
Ngunit alam nating hindi perpekto si Lloyd. Tulad ng iba ay may mga kahinaan din siya – may ilang hindi katanggap-tanggap sa kanya at sa kanyang mga ginawa. Ngunit sa mga kahinaang ito lalong nakita kay Lloyd ang kanyang pagiging totoong tao. Sa bawat pagkakamali, lalong minahal ng mga tao si Lloyd.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lloyd Cafe Cadena, popular social media personality, passes away
Read more »
Lloyd Cadena's last vlogs: free tablets for students, making his mom's dream come true
Read more »
Vlogger Lloyd Cadena dies at 26Lloyd Cadena, one the most popular Filipino vloggers with millions of subscribers and followers on YouTube and Facebook, dies on Friday, September 4. He was 26. Full story:
Read more »
'A blessing to many': Friends, fans mourn death of Lloyd CadenaThe Filipino vlogger is remembered by friends and fans for his humor, energy, kindness, and generosity.
Read more »
YouTube sensation Lloyd Cadena passes away at 26MANILA, Philippines — Famed YouTube vlogger Lloyd Cafe Cadena has passed away, according to a post on his official Facebook page on Friday. He was
Read more »
Celebrities mourn death of YouTuber Lloyd Cadena - Manila BulletinMany from showbiz are now in mourning following the unexpected death of popular YouTuber Lloyd Cadena.
Read more »