Streetsweeper, patay matapos saksakin ng senior citizen dahil umano sa P400 utang na hindi nabayaran

Btb News

Streetsweeper, patay matapos saksakin ng senior citizen dahil umano sa P400 utang na hindi nabayaran
Btb BalitaSenior CitizenStreet Sweeper
  • 📰 gmanews
  • ⏱ Reading Time:
  • 41 sec. here
  • 16 min. at publisher
  • 📊 Quality Score:
  • News: 69%
  • Publisher: 68%

Nasawi ang isang babaeng streetsweeper matapos saksakin sa Barangay Batasan Hills Quezon City.

Kinilala ang 43-anyos na biktima na si Catherine Madrid.Nakuhanan sa CCTV footage ang mismong pananaksak.Nag-usap saglit ang dalawa hanggang sa undayan ng saksak ng lalaki ang biktima.Itinurn-over ang 76-anyos na suspek sa pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na simple lang ang pinag-ugatan ng hindi pagkakaintindihan ng dalawa. “Lumalabas na itong biktima ay mayroong pagkakautang dito sa suspek na dating nangungupahan sa kanyang bahay. Kasalukuyan mayroon siyang dinidinig na kaso dito sa Barangay Batasan,” ani Police Captain Ronnie Ereño, ang hepe ng Station Investigation and Detective Management Unit .

Hindi lubos akalain ng kinakasama ng biktima na sa maliit na halaga ay magtatapos ang buhay ni Catherine. “Yung pinagtalunan po talaga ng asawa ko P400 lang po yon sa tubig po 'yon,” ani Jonathan Cajuto, ang kinakasama ng biktima. “Nanaksak ako kasi may utang sa akin. Utang sa bahay hindi nagbayad sa kwan sa ilaw sa Meralco hindi siya nagbayad. Siningil ko nagalit pa,” sabi ng suspek.

We have summarized this news so that you can read it quickly. If you are interested in the news, you can read the full text here. Read more:

gmanews /  🏆 11. in PH

Btb Balita Senior Citizen Street Sweeper Balitambayan Gma News Online Gno Pinoy Stories Scoops Trends Tabloid Balita News Showbiz

United States Latest News, United States Headlines

Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.

Lalaki, nasawi nang siya ang unang puntiryahin ng panabong na manok na kaniyang binitawanLalaki, nasawi nang siya ang unang puntiryahin ng panabong na manok na kaniyang binitawanDumanak ang dugo sa isang sabungan sa Marikina City, pero hindi ito mula sa mga manok na nagsabong kung hindi mula sa isang lalaki na unang pinuntirya at tinamaan ng 'tari' ng manok na kaniyang binitawan.
Read more »

2 bibili ng miryenda na sakay ng motorsiklo, naaksidente; babaeng angkas, nasawi2 bibili ng miryenda na sakay ng motorsiklo, naaksidente; babaeng angkas, nasawiNauwi sa trahediya ang pagbili ng miryenda ng isang lalaki at isang babae na sakay ng motorsiklo matapos silang maaksidente sa Mangaldan, Pangasinan. Ang babaeng angkas, nasawi.
Read more »

20, iniulat na nasawi dahil sa Habagat at 2 bagyo, ayon sa NDRRMC20, iniulat na nasawi dahil sa Habagat at 2 bagyo, ayon sa NDRRMCNasa 20 tao ang iniulat na nasawi, habang 14 na iba pa ang nawawala dahil sa epekto ng pag-ulan na dulot ng Habagat at dalawang bagyo na sina Ferdie at Gener, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Read more »

Babaeng stay-in na empleyado, nasawi sa sunog sa kainan sa MaynilaBabaeng stay-in na empleyado, nasawi sa sunog sa kainan sa MaynilaNasawi ang isang babaeng stay-in na empleyado matapos masunog ang isang kainan sa G. Tuazon Street sa Sampaloc Maynila pasado alas tres y media ng madaling araw.
Read more »

Tricycle driver na namamasada, patay nang pagbabarilin sa RizalTricycle driver na namamasada, patay nang pagbabarilin sa RizalNasawi ang isang tricycle driver na namamasada matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Read more »



Render Time: 2025-02-24 12:11:14