Aabot sa higit P1.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa 9 taong naaresto sa buy-bust operation sa Maynila, sabi ngayong Linggo ng pulisya.
Nasa edad 17 anyos hanggang 56 anyos ang mga naaresto sa operasyong ikinasa noong Biyernes sa Santa Cruz district, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office .
Dinampot ang mga suspek matapos nilang bentahan ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, sabi ng pulisya. Narekober umano sa mga suspek ang 8 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P1,234,404, isang baril, isang weighing scale, isang sling bag, at ang buy-bust money. Nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunition at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Hospital employee nabbed with shabu in MandaueMANDAUE CITY, Cebu, Philippines — A government hospital’s frontliner, one of its admitting personnel, has been arrested after he was caught with suspected shabu during a buy-bust operation on
Read more »
Kris Aquino, nangakong mamimigay ng cash gifts sa kanyang live online showDahil sa patuloy na suporta sa kanyang defunct show, nangako si Kris Aquino na magbabalik siya online sa pamamagitan ng isang live show kung saan mamimigay siya ng cash gifts.
Read more »
58 anyos na health officer sa Albay pumasa sa Bar exams sa ika-8 na pagsubok
Read more »
Pagpanaw ng sanggol matapos umanong tanggihan ng ospital sa Maynila iniimbestigahan
Read more »