Residential building sa Navotas, isinailalim sa lockdown dahil sa ilang kaso ng COVID19
MAYNILA - Ipinag-utos ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na isailalim sa lockdown ang isang buong residential building sa Bgy. Tanza 2, Navotas City simula ngayong araw ng Linggo.
Ayon sa kaniyang nilagdaang executive order, simula alas sinko ng umaga ngayong araw ay isasailalim sa lockdown ang Building 4 ng Navotas Socialized Housing. Magtatagal ito nang 14 days o hanggang sa Setyembre 19. Ayon kay Tiangco, 25 residente ng nasabing gusali ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 nitong Agosto, ayon sa tala ng City Health Office. Nitong Setyembre, nadagdagan ito ng dalawa pang kaso mula sa magkahiwalay na bahay.Habang nakalockdown, lahat ng residente ng Building 4 ay isasailalim sa swab test. Lahat ng magpopositibo ay dadalhin sa Community Isolation Facility. Bibigyan ng relief packs ang mga miyembro ng kanilang pamilya na maiiwan sa bahay. 1.
Ang kabuuan ng Metro Manila ay isinailalim sa General Community Quarantine hanggang katapusan ng buwan upang patuloy na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Pagbabantay vs COVID-19 maaaring nakatulong sa pagsadsad ng dengue cases: DOH
Read more »
Entire building in Navotas public housing site under lockdownBuilding 4 in Navotaas Homes-2 in Barangay Tanza 2 was placed under lockdown after the surge of positive cases of COVID-19 were recorded in the area. | CMarquezINQ
Read more »
'Mga kostumer sa restoran nabawasan nang 80 porsiyento dahil sa pandemya'
Read more »
Marine academy in Zambales on lockdown after 14 cadets test positive for COVID-19SAN ANTONIO, Zambales –– The Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) in San Narciso town was placed on lockdown for 14 days starting Thursday to contain the spread of the coronavirus disease
Read more »
Pinoy patay, isa pang kababayan sugatan sa sunog sa tanker malapit sa Sri LankaPatay ang isang Pilipinong seaman habang sugatan naman ang isa pang kababayan sa sunog sa isang supertanker malapit sa baybayin ng Sri Lanka. Ayon kay Captain Indika de Silva, tagapagsalita ng Sri Lanka Navy, namatay ang Pilipino matapos sumabog ang boiler sa engine room ng MT New Diamond noong Huwebes ng umaga. Samantala sa karagatang […]
Read more »
PH meets Russian representatives, Pfizer on respective COVID-19 vaccine deals
Read more »