RepLeksiyon: Alalahanin na walang magagawa ang demonyo kung matibay ang ating pananampalataya sa Diyos. Palakasin pa natin ang ating relasyon sa Panginoon lalo na ngayong Semana Santa at panahon ng pagtitika.
Tulad nina Eba at Adan , hindi naman inilapit ng demonyo ang pangit na pangako kay Eba. Sa halip, inalok niya dito ay yung maganda. Sinabihan niya ang babae na magiging parang diyos din siya kapag kinain niya ang bunga ng puno na ipinagbabawal ng Panginoon sa hardin ng Eden.
Sa Mabuting Balita , maging ang ating Panginoong HesuKristo ay inaalok din ng magagandang bagay ni Satanas nang tuksuhin Siya nito sa ilang. Ano ba ang mga inalok ng diyablo kay Hesus? Unang sinabi ng diyablo kay Hesus na kung Siya nga ang anak ng Diyos ay gawin niyang tinapay ang mga bato. Ang tinapay na binabanggit sa Ebanghelyo ay naglalarawan sa mga materyal na bagay o kayamanan dito sa ibabaw ng lupa.
Ano pa ang katuturan ng kayamanan at napakaraming salapi kung wala naman tayong katahimikan ng isipan?. Ano ang magagawa ng ating mga ari-arian kung wala tayong pananampalataya sa Diyos? Minsan, mas mapalad pa nga ang mga mahihirap dahil payapa ang kanilang buhay. Sunod na dinala ng diyablo si Hesus sa banal na lungsod at pinatayo sa taluktok ng Templo para hamunin na magpatihulog kung talagang Siya nga ang anak ng Diyos . Minsan, hinahamon din natin ang Diyos na makialam upang pigilin na mangyari ang isang bagay kapag nahaharap tayo sa masalimuot na sitwasyon.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Celebs who defended their family from excessive social media bashingNarito ang ilang celebrities na ipinagtanggol ang kanilang mga pamilya laban sa mga bashers.
Read more »
Marcos: Rising prices remain biggest problem of Filipinos"Alam naman natin sa kasalukuyan &39;yan ang pinakamabigat na problemang hinaharap nating lahat at pataas nang pataas ang presyo ng bilihin," Marcos said during the launch of Kadiwa ng Pangulo in Limay, Bataan"Naging problema ito dahil tayo ay...umaasa na tayo masyado, bago noong pandemiya, umaasa na tayo masyado sa importation... napabayaan natin ang agrikultura kaya mababa ang ani ng ating mga magsasaka," he added.
Read more »