Kailangan munang sumailalim sa coronavirus disease 2019 rapid test ang mga tricycle driver sa Mandaluyong City bago sila maka-biyahe, ayon kay Mayor Menchie Abalos nitong Biyernes.
Sa ngayon, nasa 2,500 pa na mga tricycle driver sa lugar ang hindi pa maaaring pumasada sa Lunes, ang umpisa ng general community quarantine sa Metro Manila kung saan mas maluwag na ang mga patakaran sa gitna ng pandemya.
'No test, no trips' ang ipatutupad sa lungsod kahit nasa ilalim na ng GCQ. Ito aniya ay para sa kaligtasan ng mga driver at mga pasahero. Nasa 4,500 na driver na ang sumailalim sa test mula sa kabuuang bilang na 7,000 registered tricycle drivers. Sa mga na-test, 277 na mga driver ang nag-positibo sa rapid test kaya dumaan sila sa swab test para makumpirma kung talaga bang positibo sila sa COVID-19.
Sa ngayon, 42 na mga test results pa lang ang dumating at lahat ay negatibo, kaya may 235 pa na mga driver ang naghihintay ng resulta ng swab test. Naka-quarantine sila ngayon habang hinihintay ang resulta ng test. May 680 confirmed COVID-19 cases sa Mandaluyong at 354 ang active cases.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Ilang Pinoy sa Netherlands, nangangailangan pa rin ng ayuda sa gitna ng COVID-19 crisis
Read more »
ECQ Stories: How Pinoy travel bloggers thrive during the COVID-19 pandemicGretchen Filart of The Filipina Explorer, Migz Hernandez of Footloose Tomcat, and Yosh Dimen of The Poor Traveler let us in on what's it like to be a travel blogger during the COVID-19 pandemic. Read the GMANetwork.com exclusive HERE:
Read more »