Watch more in iWant or TFC.tv MAYNILA - Patay ang isang lalaki matapos barilin ng pulisya sa Quezon City, hapon ng Martes.
Kinilala ang namatay na si Winston Ragos, 34 anyos, na nagpakilalang kawani ng Armed Forces of the Philippines na binaril sa Maligaya Drive, Barangay Pasong Putik sa Quezon City.
Ayon kay Police Lt. Col. Jeffrey Bilaro, hepe ng Quezon City Police District Station 5, lumapit sa quarantine control point si Ragos at nagalit umano ito sa mga naka-duty na sina police trainee Arnel Fontillas Jr. at Joy Flaviano dahil masama umano ang pagtingin ng mga ito. Agad aniyang inireport ng mga police trainee ang insidente kay Police Master Sergeant Daniel Florendo Jr.
Nang tanungin na aniya ni Florendo si Ragos, nagpakilala ito na dating miyembro ng AFP habang bigla umanong hinawakan ang dala nitong sling bag na may lamang hand gun. Sinabihan aniya ni Florendo na sumuko na ito pero tinangka umano ni Ragos na ilabas ang dalang hand gun kaya nagpaputok na ang pulis at tinamaan si Ragos sa katawan.Narekober kay Ragos ang .38 baril.-- Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN news
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
QC cop faces criminal probe for killing 'mentally challenged' lockdown violatorA Quezon City policeman who shot dead a 'mentally challenged' quarantine violator is facing criminal and administrative probes, the Quezon City Police District said. FULL STORY:
Read more »
QC coronavirus cases climb to 1,067
Read more »
Hindi pagbigay ng pinansiyal na ayuda sa quarantine offenders sa QC inirerekomenda ng opisyal
Read more »
Hindi pagbigay ng pinansiyal na ayuda sa quarantine offenders sa QC inirerekomenda ng opisyal
Read more »
Lalaki timbog sa paggamit ng fake certification para makalusot sa checkpoint sa EDSA
Read more »