Muling nagsagawa ng noise barrage nitong Lunes ang mga supporters ng ABS-CBN sa labas ng gusali nito sa Quezon City kasama ang mga Kapamilya stars at news personalities.
Alas-6:30 ng hapon nagsimula ang protesta na dinaluhan ng mga solid Kapamilya at mga empleyado ng network. Alas-8 ng gabi ay natapos na ang isinagawang noise barrage.
Dala ang iba’t ibang gamit tulad ng gong, torotot, bote, at iba pa, nag-ingay ang mga Kapamilya bilang pagbibigay suporta pa rin sa mahigit labing isang libong empleyado ng ABS-CBN na nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa pagbasura ng pitumpung kongresista sa hiling na prangkisa ng Kapamilya network.Kanya-kanya ring wagayway ang mga supporters ng mga plakard na may mga nakasulat na Ibalik ang ABS-CBN at Defend Press Freedom.
Inaasahan na magpapatuloy pa ang noise barrage ng mga solid Kapamilya hanggang sa mga susunod na araw. --Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Bintana ginawang barrier: Mga nag-aangkas sa motor sari-sariling sikap para di masita
Read more »
Mga nais makauwi sa Visayas, posibleng maihatid ngayong Hulyo: Galvez
Read more »
Korina naniniwala sa himala: I believe, ABS-CBN will be back!NANINIWALA pa rin ang Kapamilya broadcast journalist na si Korina Sanchez na babalik at babalik pa rin ang ABS-CBN sa himpapawid. Ayon sa host ng “Rated K” sa kabila ng mga nangyari sa Kapamilya Network, may naghihintay pa ring blessing para sa lahat ng mga lumaban at nanindigan para sa pagpapatuloy ng operasyon ng […]
Read more »