Umalingasaw ang masangsang na amoy at lumitaw ang ilang bangkay sa City Memorial Park sa Cagayan De Oro City matapos na siraan ang ilang nitso at ninakaw ang mga bakal.
Sa ulat ni Cyril Chaves sa GMA Regional TV News nitong Huwebes, sinabing may mga bangkay na nakitang nasa labas na ng mga winasak na nitso.
Nangyari ang insidente sa lumang bahagi ng naturang sementeryo sa lungsod kung saan ninanakaw umano ang mga bakal sa mga nitso. Aminado naman City Local Environment and Natural Resources Office na may problema talaga ng pagnanakaw ng mga bakal sa sementeryo.Ayon kay CLENRO Chief, Engineer Armen Cuenca, naglagay na sila ng mga guwardiya sa sementeryo maging sa gabi kung kailan umaatake ang mga kawatan.
Nanawagan din si Cuenca sa mga kaanak ng mga nakalibing sa sementeryo na makipag-ugnayan sa kanila dahil ang ibang mga bangkay ay nasa labas na ng nitso.--FRJ, GMA Integrated News
Btbpromdi Tomb Raider Tomb Cagayan De Oro
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Mga Pinoy, 'kings and queens of karaoke' para sa mga bida ng 'The Fall Guy' movieNagkakaisa ang Hollywood stars na sina Winston Duke at Hannah Waddingham, na kasama sa pelikulang 'The Fall Guy,' na mahusay kumanta ang mga Pinoy lalo na sa karaoke.
Read more »
Targeted, turbo-charged disinformation: Mga banta ng AI sa mga halalan ngayong 2024'What artificial intelligence allows an information warrior to do is have very targeted misinformation and to do that at scale, meaning, you do it to hundreds or thousands, maybe even millions of people,' saad ni Michael Chertoff, dating US Secretary of Homeland...
Read more »
Mga residente at turista, nagkagulo sa mga naglipanang isdang turay sa beach resort sa CamSurNaging “easy catch” para sa ilang residente at turista ang paglipana at pagtalon ng sangkaterbang isdang turay sa kanilang paglangoy sa isang beach resort sa Camarines Sur.
Read more »
Mga tag-iya og iro giawhag sa pagbantay sa mga binuhiSunStar Publishing Inc.
Read more »
Mga simbahan o sikat na lugar sa mga probinsya na dapat bisitahin sa Visita IglesiaBukod sa mga naggagandahan at natatangi nilang istruktura, dinarayo rin ang mga simbahan at iba pang sikat na lugar sa mga probinsiya para makapagnilay ang mga deboto ngayong Semana Santa. Alamin ang ilan sa mga ito, ayon sa nakalap ng GMA Integrated News Research.
Read more »
Mga goldfish, marunong magmalasakit sa kapuwa nila?Ikinamangha ng mga netizen ang ginawa ng mga goldfish na tila may malasakit sa isa nilang kasamahan na naipit at nakulong sa mga bato sa isang creek sa China.
Read more »