MAYNILA - Pinangangambahan ngayon ng ilang trabahador ang kanilang kita at kabuhayan dahil pinalawig pa ang enhanced community quarantine sa Metro Manila nang hanggang Mayo 15.
Pansamantalang nakatira sa kaniyang jeep ang tsuper na si Anton, ngayong may enhanced community quarantine sa Metro Manila.
"Sila pa nga ang nagpapadala sa amin kasi sa Mindoro kahit papaano nakakapagtrabaho asawa ko, tinatanong ako kung may pera pa ako, sige papadalhan kita ng pambili mo ng alcohol at vitamins, nakakahiya naman. Parang baliktad na yung panahon," aniya. "Wala naman kami magagawa kung hindi sumunod na lang talaga. Sa totoo lang umaasa ako, ako at kasama ko sa mga nagbibigay. tinatanggap na lang namin, nakakapagpaload ako nagvi-video call kami," aniya.
Kaya ngayong pinalawig ang quarantine, lalong problemado si Ursua dahil wala pa siyang nakukuhang ayuda. Maaalalang pinalawig ang enhanced community quarantine sa Metro Manila at ilan pang lugar na mataas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19. Para kay Sen. Panfilo Lacson, hindi pa nakikita ng bansa na napababa na ang bilang ng mga nagkakasakit kaya mas nararapat na palawigin pa ito. Ang Metro Manila ang itinuturing na episentro ng virus.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Pagyanig naitala sa ilang bahagi ng Batangas
Read more »
'Di makaihi, di makakain': Ilang frontliners nagsusuot ng diaper para tipid sa PPE
Read more »
Cebu City extends COVID-19 lockdown until May 15
Read more »
Babaeng nagpapakain ng mga pusa sa Ilocos Norte sa gitna ng lockdown, hinangaan
Read more »