Ilang produktong gawang Pinoy, mabibili na sa ilang supermarkets sa Hong Kong
HONG KONG - Mabibili na ang ilang produktong Pinoy sa Hong Kong supermarkets tulad ng Wellcome at Market Place sa ilalim ng DFI Group. Ayon pa sa Philippine Trade and Investment Center o PTIC-HK, nagsimula noong October 6 ang availability ng mga Pinoy product sa mga nasabing supermarket kabilang na ang corned beef, biscuits, condensada, meat stew mix, salt vinegar crackers, spaghetti sauce at sardinas.
Ayon pa sa PTIC-HK sa pamamagitan ng kampanyang “Philippine Savours” sa Wellcome at Market Place supermarkets maibebenta ang mga nasabing Pinoy product hanggang November 2 at pagdedesisyunan ang posibleng pagpapalawig nito base sa pagresponde ng merkado. Ang pagkakabilang ng mga produktong Pinoy sa HK-based supermarkets ay patunay ng pwersa ng Filipino community sa syudad at ang patuloy na pagtanggap ng mga mainstream consumer para sa mga produktong gawa ng mga Pilipino.
Patuloy ang mga programa ng PTIC sa ilalim ng Department of Trade and Industry o DTI sa pagsusulong ng mga produktong Pinoy na mas malawak na maibenta sa department stores, specialty stores, grocery stores, convenience stores, drugstores, discount stores, at superstores hindi lamang sa Hong Kong kundi pati na sa Macau.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
1 pang Pinoy, patay sa Hamas attack!Isa pang Filipino ang nasawi dahil sa pag-atake ng militanteng grupo na Hamas sa Gaza Strip sa Israel.
Read more »