FactCheck: Si De Guzman ay kritiko ng pamilyang Marcos at ng kalaban niya sa pagkapangulo na si Ferdinand Jr. Pula ang campaign color ni De Guzman dahil sumisimbolo ito sa kanyang aktibismo nang marami nang dekada. FactsFirstPH
Sa ngayon, umabot na sa 72,000 na reaksiyon, 3,433 na komento, at 1,320 na shares ang bidyong nagpapakalat ng maling impormasyon.Ayon sa isang nag-viral na bidyo sa Tiktok, pasekretong ineendoso ng kandidato sa pagkapresidente na si Leody de Guzman ang karibal niyang si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.nitong Pebrero 28, 2022.
Makikita rito ang pagtataas ng kamay at pag-”peace sign” ni De Guzman sa isang bahagi ng programa. Nakalapat sa bidyo ang “peace sign” na logo naman ni Marcos Jr. bilang pagpapakita ng pagkakatulad nito sa iminuwestra ng kandidato ng Partido Lakas ng Masa.Malinaw ang tindig ng partido ni De Guzman na Partido Lakas ng Masa tungkol sa pagtakbo nila at paglaban sa “