Nahuli-cam sa CCTV camera ang ginawang pagnanakaw ng dalawang lalaki sa isang estudyanteng nakatulog sa lamesa sa labas ng isang convenience store sa Bacolod City.
Sa video ng GMA Integrated Newsfeed, makikita sa CCTV footage na nakasubsob sa lamesa ang estudyanteng si Aizo Gonzales, nang tabihan siya ng isang suspek.
Ilang saglit pa, isa pang suspek ang lumapit at pinuntirya na ang kaniyang bag. May pagkakataon pa na nagpalit ng puwesto ang mga kawatan.Nang magising si Aizo, wala na ang kaniyang cellphone at airpods na nasa loob ng kaniyang bag.Nalaman niyang nabiktima siya nang kawatan nang silipin ang CCTV footage para sana hanapin ang cellphone.
Ayon kay Aizo, naging mahimbing ang kaniyang tulog dahil sa pagod dahil sa pagpa-practice sa basketball.Ayon sa manager ng tindahan, pamilyar ang mga suspek na pagala-gala daw sa lugar. Bibilinan daw niya ang kanilang guwardiya na bigyan ng babala sa susunod ang nakakatulog sa kanilang labas. Ini-report na sa pulisya ang inisdente at nagsasagawa ng imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.--FRJ, GMA Integrated News
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Bacolod hosts Super City Bacolod Mayor's Night for VIP tour delegatesSunStar Publishing Inc.
Read more »
Isda na mukhang buwaya, nahuli sa baha sa PampangaNagdulot ng takot sa mga residente sa isang barangay sa San Fernando, Pampanga ang isang isda na kakaiba ang hitsura na parang buwaya na palutang-lutang baha. Limang lalaki ang nagtulong-tulong para hulihin ito.
Read more »
Nahuli sa dagat ng Batangas, ano kayang uri ng isda at ligtas kayang kainin?Isa nga bang uri ng isda o lobster ang lamang-dagat na nahuli umano sa karagatan ng Batangas na may makapal na kaliskis. Ligtas din kaya itong kainin? AHA!lamin.
Read more »
Gitgitan ng modern jeep at bus, nahuli-cam sa Maynila; LTFRB, magsisiyasatNahuli-cam sa Espanya, Manila ang gitgitan ng modern jeep at bus na nag-ugat umano dahil sa agawan sa pasahero. Ang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sinabing makikita sa video ang elemento ng road rage.
Read more »
Businessman shot dead by companion in BacolodBACOLOD CITY -- A businessman was allegedly gunned down by his companion inside a sports utility vehicle (SUV) during a heated argument on uncollected remittances in Barangay Villamonte here on Monday, July 22.
Read more »
Bacolod eyes to construct on-site housing project for fire victimsSunStar Publishing Inc.
Read more »