Maglalaan ang Department of Foreign Affairs ng P15 milyon para sa repatriation program sa Lebanon matapos ang pagsabog doon na nagdulot ng malawak na pinsala sa capital city na Beirut at kumitil sa bu
hay ng 130, kabilang ang 4 na Pilipino.
Sa isang tweet nitong Sabado ng umaga, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na kukuha ang gobyerno ng chartered flight sa Qatar Airways. Nagtatrabaho na aniya ang embahada ng Pilipinas sa Beirut para sa naturang programa at nakatakda ang paguwi ng mga Pilipino mula roon sa Agosto 16.
Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola nasa 400 Pinoy ang inaasahang sasama sa repatriation.Sa huling impormasyon sa DFA, 42 na Pinoy ang kabilang sa libo-libong nasugatan sa insidente habang may dalawa pang pinaghahanap. Bago pa man ang pagsabog at COVID-19 outbreak, may repatriation efforts na ang Pilipinas sa Lebanon dahil sa hindi magandang kondisyon ng mga Pilipino doon kaugnay ng political unrest, financial crisis at pagsasara ng maraming negosyo.
Nasa 33,000 ang mga Pilipino sa Lebanon. Karamihan ay nagtatrabaho bilang domestiic worker sa Beirut.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
DFA to raise Lebanon repatriation budget
Read more »
1 more OFW still missing, 11 more injured in Beirut blasts, DFA reports
Read more »
Filipinos killed in Beirut blasts now at 4, wounded at 31 – DFACDNTopStories Two more Filipinos have been reported killed after powerful explosions struck the Port of Beirut in Lebanon earlier this week. Read more: CDNDigital
Read more »
DFA chief orders check on Chinese survey vessel near Reed Bank
Read more »