Deployment of OFWs seen to decline until 2021
Posibleng bumagsak nang 20 hanggang 30 porsiyento ang deployment o bilang ng mga manggagawang Pinoy na ipinapadala sa ibang bansa hanggang sa susunod na taon dahil sa epekto ng coronavirus disease, sabi ng isang eksperto nitong Linggo.
Sa isang online forum, sinabi ng recruitment at migration expert na si Manny Geslani na bagsak kasi ang ekonomiya sa Middle East, kung saan pinakamarami ang mga overseas Filipino worker.“Sarado ang mga Middle East countries, lockdown sila. And I don’t think they will get new workers with the current economic situation nila,” ani Geslani.
“Malabo ’yong deployment sa Middle East. Sa Europe, maraming countries din ang lockdown. Then Poland na bagong market natin, lockdown pa rin,” dagdag niya. Ayon kay Geslani, ilan sa mga opsiyon ng mga gustong mangibang bansa ngayon ang Hong Kong at Taiwan, na maganda ang pasahod sa skilled workers sa manufacturing at electronics companies.
"Dahil nga marami ang factories na nagsara sa China, maraming lumipat na orders sa Taiwan," paliwanag ni Geslani.Ayon sa pinakahuling opisyal na tala ng Philippine Statistics Authority noong nakaraang taon, nasa 2.3 million ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers sa pagitan ng Abril hanggang Setyembre 2018.Umabot na sa 5.3 milyon ang bilang ng mga nahawahan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Lorenzana: Possible to put Metro Manila under GCQ on June 1'Yung mga areas na meron pa ring mga ano, infection baka yun na lang ang ikontrol natin ng konti,' says Defense Secretary Delfin Lorenzana. COVID19PH
Read more »
6 ospital na tumanggi ng pasyente, pinapaliwanag ng DOH
Read more »