Laking gulat ng isang pamilya sa Caoayan, Ilocos Sur, nang makita nila na kakaiba ang isa sa mga biik na isinilang ng kanilang inahing baboy. Isa lang ang mata nito, na itinuturing nilang suwerte.
Sa ulat ni Ivy Hernando sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, ang naturang biik ay alaga nina Norma Carasi, ng Barangay Anonang Menor.
Marso 16 nang manganak ang kanilang inahing baboy at bukod tanging naiiba ang biik na isa lang ang mata at walang ilong.Kaagad daw nilang inihiway ang biik para matutukan nila ang pag-aalaga upang mapadede. Itinuturing din ng pamilya na suwerte ang kakaibang biik dahil nanganak din ang apat pa nilang inahain.
Ayon naman sa provincial veterinarian na si Dr. Donna Cabanilla-Rosario, cyclopia o cyclocephaly ang tawag sa kondisyon ng biik, na nangyayari kapag hindi maayos na nabuo ang mga biik sa unang buwan pa lang ng pagbubuntis ng inahin. Maari naman daw humaba ang buhay ng naturang biik kung maaalagaan nang mabuti at mabibigyan ng sapat na bitamina.-- FRJ, GMA Integrated News
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Prison guard shot dead on his way to Ilocos Sur Provincial JailA prison guard was shot dead as he was driving into the premises of the Ilocos Sur Provincial Jail in Bantay, Ilocos Sur, according to a 24 Oras report by Ivy Hernando on Wednesday.
Read more »
Sanggol, inabandona sa isang simbahan sa Pili, Camarines SurNatagpuang inabandona ang isang sanggol sa isang simbahan sa Pili, Camarines Sur. Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia sa Unang Balita nitong Huwebes, mapapanood sa CCTV footage ang pagdating ng isang sasakyan sa labas ng isang simbahan.
Read more »
2K internet subscribers in Agusan del Sur await service restoration SAN FRANCISCO, Agusan del Sur (MindaNews / 26 November) -- An estimated 2,000 subscribers of a major telecommunications company here whose internet
Read more »
Bus, sumalpok sa truck sa Lupi, Camarines Sur; 5, sugatanLima ang sugatan matapos sumalpok ang isang pampasaherong bus sa nakaparadang truck sa gilid ng Andaya Highway sa Brgy. Cabutagan, Lupi, Camarines Sur.
Read more »
Army engineers build multipurpose hall in Zambo Sur townSunStar Publishing Inc.
Read more »
Dawlah Islamiya counterattack in Maguindanao del Sur kills 4 soldiersThe fatal ambush at the hands of Dawlah Islamiyah terrorists took place while the soldiers were onboard a private vehicle while buying office supplies in the downtown area in Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao Del Sur
Read more »