The Department of Education is urging the IATF to provide cash aid to private school teachers. COVID19Quarantine
Umapela ang Department of Education sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para mabigyan ng ayuda ang mga guro sa mga pribadong paaralan.
Ayon kay Education Spokesperson Annalyn Sevilla, umapela na si Secretary Leonor Briones para maisama ang private school sa mga industriyang naapektuhan ng coronavirus crisis at mabigyan ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program. Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Briones na iaakyat niya sa Kongreso ang problema ng private school teachers para mabigyan ng ayuda ang mga ito sa ilalim ng Bayanihan Act.
Nauna nang sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Associations na nasa 500,000 private school employees ang sumasahod nang mas mababa sa regular nilang suweldo o hindi na sumasahod sa ilalim ng "no work, no pay" scheme. Naputol ang klase sa mga paaralan mula noong Marso matapos isailalim sa lockdown ang iba-ibang bahagi ng bansa para makontrol ang pagkalat ng COVID-19. -- Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Arturito ng 'Money Heist,' may special shoutout sa mga Pinoy!Mensahe ng Spanish actor na si Enrique Arce para sa Pinoy 'Money Heist' fans: 'Sa aming mabubuting kaibigan sa Philippines, maraming salamat!'
Read more »
De-pedal na mga handwasher binuo ng grupo ng mga Pinoy sa Ethiopia
Read more »
TINGNAN: Celebrities na naging 'tribute' ngayong may enhanced community quarantineKahit celebrities sila, hindi pa rin maiiwasang maging “alay” o “tribute” ng mga artista ngayong panahon ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19. Silipin ang mga naging karanasan ng ilang personalidad na matapang na lumbas ng kani-kanilang bahay para sa pangangailangan nila at ng kanilang pamilya.
Read more »