Kinagiliwan ng netizens ang isang Aspin na todo-puppy eyes pa at tila best “aww-ctor” nang magpabebe ito matapos makaramdam ng antok sa Malibay, Pasay City.
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, ipinakilala ang dalawang-taong-gulang na Aspin na si Dos mula sa Vizcarra, na tila inaapi at mukhang kawawa habang inaasar ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
Sinabi ng uploader na si Ainjel Zamora na nakatambay sila sa bahay ng amo ni Dos nang biglang magpabebe ang aso. “Disoras na kasi ng gabi that time. Nakatambay kami sa bahay ng friend namin. Si Dos, biglang nagpabebe sa amo niya kasi antok na raw. So ‘yung friend ko na rinig sa video, inaasar asar si Dos na paawa, kaya nag-start mag-react nang gano’n si Dos,” kuwento ni Zamora.
Ayon pa kay Zamora, na gaya ng maraming Aspin, sadyang sweet at malambing si Dos, ngunit likas din ang pagiging pabebe at maarte nito lalo kung may mga bisita sa kanilang bahay. Buti at agad itong nakuhanan ni Zamora ng video, dahil ito ang unang beses na sumobra sa pagpapabebe si Dos.Biro ng netizens, dapat mag-sorry ang mga nang-aasar kay Dos dahil kahit pabebe ito ay ngumunguya pa rin ito ng tsinelas.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Aso na nagagalit sa tuwing naririnig ang salitang ‘ligo,’ kinagiliwan ng netizensKinaaliwan ng netizens ang isang aso na tila naiinis sa tuwing naririnig ang salitang “ligo” mula sa kaniyang amo sa Naga, Camarines Sur.
Read more »
Sharon Cuneta, nag-‘Sharon’ sa birthday party ng kaanak; netizens, pati ilang celeb, naaliwKinagiliwan ng netizens ang ginawang pag-“Sharon” o pagbabalot ng pagkain ni Sharon Cuneta na siya mismo ang gumawa sa isang handaan ng kanilang kaanak.
Read more »
Donna Cruz reacts to video of Sheena Halili’s daughter Martina singing her song ‘I Can’Donna Cruz could only go 'aww' at Sheena Halili’s video of her daughter Martina singing her song.
Read more »
Mga nakatira sa isang apartment, nakaligtas sa sunog dahil sa tahol ng alagang aso sa ChinaDahil sa pagtahol ng alagang aso, nagising ang natutulog niyang mga amo at nailigtas sa sunog na nagaganap sa isang apartment sa China. Pati ang iba nilang kapitbahay, naalerto.
Read more »
Pastor Ron sa Cagayan de Oro, dinadayo dahil kaya umanong pagalingan ng mga maysakitAng mga maysakit, pati na ang mga hindi na makatayo at makalakad dahil na-stroke at nabaldado, kaya umanong pagalingin sa pamamagitan ng dasal ng isang 27-anyos na pastor sa Cagayan de Oro. Ang naturang pastor, aminadong makasalanan noon, nakulong at nalululong pa sa ilegal na droga.
Read more »
Babae, pinagkakaguluhan at nagkaroon ng fans dahil sa pagkakahawig kay Taylor SwiftPinagkakaguluhan at nagkaroon pa ng instant fans ang isang babae mula sa Boston, Massachusetts, dahil sa kaniyang pagiging ka-look-alike sa American music icon na si Taylor Swift.
Read more »