Sa tuwing Huwebes o Biyernes Santo, isa sa mga panatang isinasagawa ng mga Katoliko ang Visita Iglesia, o pagdalaw sa pito o 14 na mga simbahan sa iba’t ibang lugar. Ano nga ba ang kahalagahan nito para sa mga mananampalataya?
Ayon kay Reverend Father Kevin Crisostomo, kasalukuyang Parish Priest ng San Antonio de Padua Parish sa Parañaque at Head ng Diocesan Social Communications Ministry ng Diocese of Parañaque, ang Visita Iglesia ay mas naaangkop na tawaging isang “pilgrimage,” o isang “spiritual exercise” na paglalakbay sa iba't ibang mga simbahan o banal na lugar.“Ang spiritual purpose niya ay climbing the ‘mountain’ towards Jesus.
“Sa buhay ng tao, hindi tayo turista. Tayo ay naglalakbay o pilgrim. ‘Pilgrim’ came from the Latin ‘peregrinus’ o journey,” saad ni Father Crisostomo. “Paglalakbay ng puso, paglalakbay mula sa puso, paglalakbay ng may puso, at paglalakbay patungo sa puso,” sabi pa ni Father Crisostomo. “Mayroon din mga santo, bago sila mag-found ng isang congregation, magpi-pilgrimage muna sila or the pilgrimage is part of it. Or, when you're making a vow. Sa mga religious, minsan kasama rin ang pilgrimage. For example, bago ka i-ordain, bago ka mag-receive ng profession of vows, or part of entering the seminary,” pagpapatuloy ni Father Crisostomo.Sa isang Lenten pilgrimage o Visita Iglesia, pito o 14 ang kadalasang bilang ng mga simbahan na binibisita.
Sa pagsasagawa ng pilgrimage o Visita Iglesia, ilang mananampalataya ang naglalakad nang nakapaa lamang. Hindi naman ito masama, ayon kay Father Crisostomo. May limang puntong ibinigay si Father Crisostomo na magsisilbing gabay sa pagsasagawa ng Visita Iglesia o pilgrimage ngayong Semana Santa. 4. Patience – Sa pilgrimage sinusubok ang pasensiya ng isang tao, lalo na kung mainit, traffic, o mahaba ang pila CR.
“Bilang spiritual exercise, it will involve sacrifice," saad niya. "Kaya napakahalaga po na sa ating paglalakbay, meron din tayong intention. Ating intention na ‘yun, we keep in mind, we not only pray for ourselves, but we pray for one another.”