2 construction workers create coin bank and griller in exchange for food
MAYNILA - Alkansiya at ihawan na mula sa scrap metal ang ginawa at ipinagpapalit ng dalawang construction worker para may makain sa kabila ng lockdown na ipinatutupad sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Pilipinas laban sa coronavirus disease .
Kuwento nina Teddy Dayao, 40-anyos, at Ryan Yanga, mula sa napupulot nilang pinagtabasang materyales mula sa construction site ang mga gawang alkansiya at ihawan. Watch more in iWant or TFC.tv "Ginawan ng paraan, mga scrap-scrap na lang papalit ng ulam para mabuhay lang," sabi ni Dayao. Hindi na rin niya alam kung ano na ang sitwasyon ng pamilyang naiwan sa Dumaguete."Yung mga pamilya namin sa probinsiya 'di namin alam kung anong nangyayari doon. Si God na lang bahala kung anong mangyayari," sabi ni Dayao.
Ipinagpapalit nila ang mga gawang alkansiya at ihawan sa karne o delata. Inaalok daw nila ito sa malapit na bahay o tindahan dahil hindi naman nila mailako sa ibang lugar at baka hulihin lang sila.Nag-aalala rin si Yanga sa kaniyang mga magulang sa Pampanga dahil wala rin siyang maipadalang pera sa kanila.
"Wala rin akong maipadala, wala rin mautangan. Kaysa magnakaw ka, ito na lang po naisip namin. At least po ito marangal," sabi ni Yanga.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Construction worker, restaurant crew nanlilimos na lang nang mawalan ng trabaho sa lockdown
Read more »
Wowowin: Paano sumali at manalo sa 'Tutok To Win?'Aired (April 24, 2020): Lahat ng mapipili, matatawagan at mananalo sa 'Tutok To Win' ay mga kababayan natin na sumusunod sa tamang mechanics ng game show na ito.
Read more »
Probe called on hospitals, staff who turn away poor patientsMANILA, Philippines — Senator Risa Hontiveros on Monday called on the Department of Health (DOH) to probe and charge for criminal and civil damages those liable for recent incidents involving
Read more »
All-Out Sundays: Betong Sumaya performs his debut single 'Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko'Aired (April 26, 2020): Upang maghatid ng good vibes ngayong enhanced community quarantine, ni-release ng GMA Music ang kauna-unahang novelty song ng komedyanteng si Betong Sumaya, ang “Nang Minahal Mo Ang Mahal Ko.”
Read more »