MAYNILA — Sa pagpapatupad ng general community quarantine sa Metro Manila simula Hunyo 1, may mga public transportation na rin ang papayagang pumasada muli sa mga lansangan.
Pero sa plano ng Department of Transportation , hindi sabay-sabay kundi pabugso-bugso ang pagbabalik-biyahe ng mga pampublikong sasakyan.
"In the adoption of these guidelines in areas under GCQ, there will be two phases to be executed for allowing the operation of the different modes of public transportation," sabi ng ahensiya. Mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 21, papayagan na muli ang operasyon ng tren, taxi, ride-hailing car service tulad ng Grab, bus augmentation units, point-to-point buses, shuttle services, at mga bisikleta.
Lahat ng ito, limitado lang ang kapasidad at hindi tulad noon na maaaring magsiksikan ang mga pasahero.Hindi pa rin umano papayagan ang mga provincial bus sa Metro Manila, anang DOTr.Ang ikalawang phase naman ng pagbabalik ng ibang public transpo ay magsisimula sa Hunyo 22 hanggang Hunyo 30. Pinaalala naman ng DOTr na dapat sundin ang mga sumusunod na panuntunan:
Sa panayam naman kay Interior Secretary Eduardo Año, tinatayang 300 units ng P2P bus ang papayagang pumasada sa Metro Manila sa unang araw ng GCQ sa Lunes. Huwebes ng gabi nang magpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na pababain ang antas ng mga quarantine sa buong bansa.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
ALAMIN: Mga alternatibong paraan ng pag-aaral na isinusulong ng DepEd
Read more »
ALAMIN: Mga dapat tandaan kung aalis, papasok ng Metro Manila habang GCQ
Read more »
Dahil sa online class: Mga bilihan ng murang PC dinagsa ng mga estudyante
Read more »
Presyo ng mga bisikleta nagtaas pero mga bumibili dagsa pa rin
Read more »
Libreng pagkain alok ng mga kabataan sa mga food delivery drivers sa Iloilo City
Read more »
Mga aktibidad para sa kapistahan ng Tacloban City, kanselado dahil sa COVID-19
Read more »