MAYNILA - Umabot sa halos 40 katao ang hinuli ng mga awtoridad sa Quezon City nitong Huwebes dahil sa paglabag umano sa itinakdang curfew ng lungsod. Public safety hours kasi ng Quezon City mula 8 p.
m. hanggang 5 a.m., na siya ring curfew hours na itinakda sa buong Metro Manila.
Kaya nag-ikot ang task force sa iba't ibang barangay, kabilang na ang Batasan Hills, Holy Spirit, at Bagong Silangan. May mga naabutan pa umano silang nag-iinuman, mga taong hindi tama ang pagsusuot ng face mask, at maging mga taong nasa labas lang. Quezon City Task Force Disiplina apprehends violators of curfew in Brgy. Bagong Silangan and Brgy. Batasan Hills | via @JervisManahan pic.twitter.com/K2SxHtRNRSAyon sa chief of operations ng Quezon City Task Force Disiplina na si Deck Pelembergo, ipo-profile ang mga nahuli, at titingnan kung may kaso na ba ang ilan sa kanila.
Ang mga mapapatunayan na may kaso ay dadalhin sa pulisya, o kaya ay pagmumultahin. Ang iba naman, kapag walang ibang paglabag, palalabasin din 5 a.m. kinabukasan.May isang service crew ng fastfood na nagsabing na pauwi pa lang siya mula trabaho at bigla na lang dinampot.Meron ding nahuli na magdedeliver sana ng arroz caldo, pero 3 silang sakay ng isang motorsiklo.
Walang malinaw na nakalagay sa guidelines kung magkano ang multa ng mga taong mahuhuling lalabag sa curfew.
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
QC issues new guidelines for GCQ - Manila BulletinQuezon City Mayor Joy Belmonte has issued a 12-page memorandum containing general community quarantine (GCQ) guidelines that cover safety hours, transportation, businesses allowed, and the mandatory reporting of symptomatic persons and suspected or confirmed cases of coronavirus disease 2019 (COVID-19). Some of the guidelines are: Public safety hours shall remain from 8 p.m. to […]
Read more »
Bayarin sa tubig na umabot sa P133,000 ikinagulat ng pamilya sa Marikina
Read more »
Newsroom Ngayon - Agosto 19, 2020 (Miyerkules)Samahan si Ruth Cabal sa Newsroom Ngayon \u2014 balita at serbisyo para sa Pilipino.\n\nMakakausap natin ang Landbank ukol sa kanilang bagong lending program...
Read more »