4 alleged NPA officials arrested in Negros Occidental
Nahuli ang apat na mga hinihinalang opisyal ng New People's Army sa isang military operation sa lungsod ng Kabankalan, Negros Occidental Biyernes ng hapon.Dinakip ang apat ng pinagsamang pwersa ng 15th Infantry Battalion ng Philippine Army at Kabankalan Police.
Sinabi ni 2nd Lt. Weann Sandag, Civil Miltary Operation Officer ng 15th Infantry Battalion, na ang mga nahuli ay kinilala ng kanilang mga dating kasamahan na ngayon ay nagbalik-loob na sa gobyerno. Dagdag ni Sandag, minanmanan ng militar ang mga nahuli noon pang July 8 matapos ang isang engkuwentro sa Barangay Pinggot sa bayan ng Ilog.
Nakuha sa apat ang isang .45 caliber pistol, .38 caliber revolver, apat na mga hand grenade, mga subersibong dokumento, mga cellphone at mahigit P100,000.Ang mga nahuli ay sasampahan ng kasong illegal possession of fire arms and explosives. Sinabi ni Commanding officer ng 15th infantry battalion Col. Erwin Carino sa kanyang ipinalabas na statement sa media na magpapatuloy sila sa ginagawang opensiba laban sa NPA. -- Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News
United States Latest News, United States Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
4 Red leaders nabbed in Negros OccidentalFour suspected high-ranking communist rebels were arrested by the military and police in Kabankalan City, Negros Occidental Friday.
Read more »
4 Red leaders nabbed in Negros OccidentalFour suspected high-ranking communist rebels were arrested by the military and police in Kabankalan City, Negros Occidental Friday.
Read more »
Sharon may pa-tribute kina Angel, Zsa Zsa, Pops, Regine, Juday: Mahal na mahal ko kayo!SUPER touched si Megastar Sharon Cuneta sa mga kaibigan niya sa showbiz na hindi nakalilimot na kumustahin siya sa “hirap at sa ginhawa”. Nitong mga nakaraang araw ay talagang laging laman ng headlines si Sharon dahil sa sunud-sunod na kontrobersiyang kinaharap niya. Mula sa pagtatanggol sa ABS-CBN hanggang sa pagpatol sa mga bully sa […]
Read more »
Miggs Cuaderno at Eunice Lagusad, pinakita ang kanilang versatility sa aktinganSupporting man ang kanilang roles sa 'Prima Donnas,' ipinakita pa rin nina Miggs Cuaderno at Eunice Lagusad na kaya nilang makipagsabayan sa mga bida ng show. Panoorin DITO:
Read more »